Connect with us

Aklan News

Lalaki natagpuang patay sa loob ng kanyang bahay sa Tambak, New Washington

Published

on

By

Patay na nang madatnan ng mga kamag-anak nito sa loob ng kanyang bahay ang isang 59 anyos na lalaki sa Brgy. Tambak, New Washington.

Kinilala ang biktimang si Felicimo Danza na pinaniniwalaang binawian ng buhay dahil sa sakit.

Ayon sa anak ng biktima, ilang buwan nang nakararanas ng sakit sa puso ang kanyang tatay at may maintenance ito para sa highblood.

Tumanggi din ang anak nito na ipa-autopsy examination ang kanyang ama.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PSSgt. Eduardo Almirante, imbestigador ng New Washington PNP, sinabi nito na walang foul play sa pagkamatay ni Danza.