Connect with us

Aklan News

Lalaki naaksidente sa minamanehong motorsiklo malapit sa Kalibo International Airport

Published

on

By

Nagtamo ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang isang motorista matapos sumemplang sa may Kalibo International Airport kagabi.

Nakilala ang biktima ay kinilalang si Issiah Bautista, 25-anyos na residente ng Linabuan Norte, Kalibo.

Sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, mula sa direksyon ng Kalibo ang biktima at patungo sana sa New Washington.

Nag-overtake umano ang biktima sa kasunod nitong sasakyan nang lumagpas ito sa gutter at dumiretso sa mabuhangin na daan kaya nawalanan ito ng kontrol tumumba sa motorsiklo.

Agad naman na nirespondihan ng MDRRMO Kalibo ang biktima at binigyan ng paunang lunas.

Sa ngayon ay nasa ospital ang biktima habang patuloy na nagpapagaling.