Connect with us

Aklan News

KWARTO NG KOREAN NATIONAL, TINANGKANG PASUKIN

Published

on

Tinangkang pasukin ng di pa nakikilalang suspek ang silid ng isang Korean National sa isla ng Boracay.

Naganap ang insidente 5:15 ng hapon noong Pebrero 17.

Nakilala ang biktimang si Ji Hyun Kim, 29 anyos, kasalukuyang nakatira sa Sitio, Lugutan Brgy. Manocmanoc, Boracay, Tour Guide sa isang Travel Agency.

Base sa imbestigasyon ng Malay Pnp sinubukang buksan ang pinto ng kwarto ni Kim ng tangkain ng suspek na idaan ang kanyang kamay sa bintana para mabuksan ang pinto.

At kahit takot nagawa pang sumigaw ng koryana  para makahingi ng tulong at siya namang karipas nang takbo ng suspek.

Ayon sa biktima na kamakaylan lamang ay may tumatawag na di rehistradong numero sa kanyang cellphone.

Minabuti ng biktima na ipa rekord na lang sa Malay Pnp ang nasabing insidente.