Connect with us

Aklan News

HINDI PAG-RENEW SA ACCREDITATION NI ENGR. GARY MALAPAD BILANG SUPPLIER NG ELECTRICAL SUPPLIES, NILINAW NI AKELCO GM GEPTY

Published

on

By

BINIGYAN-LINAW ni Aklan Electric Cooperative (AKELCO) Atty. Ariel Gepty ang alegasyon hingil sa hindi pag-renew ng kooperatiba sa accreditation ni Engr. Gary Malapad bilang isa sa mga supplier ng mga electric supplies.

Nag-ugat ang nasabing kontrobersiya sa sulat na ipinadala ni Engr. Malapad na umabot na sa tanggapan ng Presidential Complian Center gayundin sa Presidential Anti-Corruption Center (PACC).

Ito ay patungkol sa umano’y pang-gigipit ng AKELCO kay Engr. Malapad at sa kanyang negosyong electric supply.

Pinipigilan din umano ng kooperatiba kahit ang mga malalaking establisiyemento na nangangailang ng mga electrical supplies na huwag kumuha ng materyales kay Malapad.

Subalit ayon kay GM Gepty, ang accredidation ni Malapad para sa kanyang electrical supply business ay nananatiling pending dahil sa ilang mga clarifications.

Sa katunayan ayon kay Gepty ay nagpadala na sila ng clarificatory letter sa abogado ni Malapad na si Atty. Mark Peralta ukol dito.

Nais aniya nilang maliwanagan sa kanyang request for accreditation kung siya ba ay may balak na magparticipate sa kanilang mga future bidding.

Binigyan-diin pa ni Gepty na kung hindi naman sasali sa mga isasagawang bidding si Malapad ay hindi na niya kailangan ng accreditasyon.

“Gina-klaro abi namon makaron… iya sa Akelco, kung ro anang request for accreditation hay gaparticipate imaw sa mga future bidding…iya sa Akelco. Kung owa mat-ana imaw magparticipate sa mga future bidding… iya sa Akelco hay dayang…there is no need ro accreditation.”

Paglilinaw pa ng Akelco GM, malaya ang sinumang member-consumer na bumili sa kahit saang electrical supplier na gusto nila.

Ngunit, paalala lamang nito na kung ang bibilhin ay katulad ng mga transformer, kailangang sumunod pa rin ito sa tinatawag na NEA standard at AKELCO standard batay na rin sa guidelines ng kooperatiba.

“Kasi it is the position it amon nga kooperatiba…nga kumbaga, kung ro tanan nga supplier, ag ro member-consumer nga ga-avail o gusto nga magbakae it mga materyales sa anda ta nga hamut-an, nga gusto nga supplier. Basta, ro anda nga…halimbawa ro transformer, makasueod imaw… may ginatawag abi nga NEA standard ag AKELCO standard.May una abi nga sueondanan ro aton nga kooperatiba, ro specific standard baea it transformer.”

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *