Connect with us

Aklan News

DAHIL SA TINANGGAL NA LAMBAT NG MGA BIBE SA PALAYAN, LOLO, PINAGTATAGA

Published

on

Balete – Sasampahan ngayong umaga ng kasong Frustrated Murder ang isang 74 anyos na senior citizen matapos pagtatagain kahapon ng umaga ang isa ring 66 anyos na lolo sa Morales, Balete.

Nakilala ang biktimang si Wenifredo Quinicio ng Agsalay, Morales, Balete, at ang suspek na si Bertito Morales, ng Sitio Lapnag, ng nasabing barangay.

Base sa inisyal na report ng Balete PNP, naghuhugas umano ng paa sa balon ang kakagaling sa palayan na si Quinicio nang dumating si Morales.

Ngunit bigla na lamang umano nitong pinagtataga sa braso at balikat si Quinicio.

Gumanti naman ang biktima sa pamamagitan ng paghampas nito ng dala niyang pala sa suspek, rason naman ng sugat nito sa tiyan at mukha.

Kapwa isinugod sa magkahiwalay na ospital ang dalawa, at patuloy pang ginagamot doon.

Samantala, lumalabas sa pagsisiyasat ng mga otoridad na nagalit umano ang suspek nang tanggalin ng biktima ang lambat ng mga bebe sa nasabing palayan, na kapwa rin pala nila pinagtatrabahuan.