Connect with us

Aklan News

Boracay tourist arrivals bahagyang bumaba

Published

on

Bahagyang bumaba ang naitalang tourist arrival sa Boracay island sa unang dalawang linggo ngayong buwan ng Setyembre sa taong kasalukuyan.

Simula Setyembre 1 hanggang 15, nakapagtala ang Malay Municipal Tourism Office ng kabuuang 57,787 tourist arrivals.

Mas mababa ito kumpara sa 81, 574 tourist arrivals sa kaparehong period noong nakaraang buwan.

Bumaba ito ng mahigit 23,000 tourist arrivals.

Mula sa 57,788 tourist arrivals, 50,697 ang domestic, 1,477 ang OFW at 15,6113 ang foreign nationals.