Connect with us

Aklan News

LGU Kalibo, nakiisa sa International Coastal Cleanup day

Published

on

Photo Courtesy: Yorme Juris Bautista Sucro/Facebook

Nakiisa ang lokal na pamahalaan ng Kalibo sa paggunita ng International Coastal Clean Up ngayong araw, Setyembre 17.

Nagsimula ang cleanup drive alas 6:30 hanggang alas-9:30 sa may Beach Boys Pook hanggang Seaport II, Pook Seaport II hanggang Mabuhay Jetty Port, Caano Baybay hanggang Pudlon Beach at Kalibo hanggang New Washington boundary.

Nagpapasalamat naman si Mayor Juris Sucro sa mga nakiisa sa nasabing cleanup drive kung saan ito aniya ay simula pa lamang ng mga programa ng lokal na pamahalaan sa pagpapanatili ng kalinisan sa bayan ng Kalibo.

Hinikayat din ng alkalde ang lahat na panatilihing malinis ang lahat ng coastal areas sa bayan ng Kalibo upang ito’y mapreserba para sa susunod na henerasyon.