Connect with us

Aklan News

Aklanon rider patay sa aksidente sa Marcos Highway sa Pasig City

Published

on

By

Dead on the spot ang isang Aklanon rider matapos masangkot sa isang aksidente sa sa kahabaan ng Marcos Highway sa bahagi ng Barangay Santolan, Pasig City nitong Setyembre 17.

Kinilala ang nasabing rider na si Dennis Villorente Jr., 26 at residente ng Poblacion, Libacao.

Batay sa nakalap na impormasyon ng Radyo Todo, sakay ang biktima ng kanyang motorsiklo at tinatahak ang kahabaan ng Marcos Highway kung saan sumusunod ito sa isa pang motorsiklo ngunit pagdating sa nasabing lugar ay aksidente nitong nabangga ang likurang bahagi ng sinusundang motorsiklo.

Batay sa kuha ng CCTV, bigla umanong nag U-turn ang sinusundang motorsiklo nito dahilan ng aksidente.

Dahil sa lakas ng impact, kapwa nawalan ng kontrol sa pagmamaneho ng kanilang motorsiklo kung kaya’t tumilapon ito sa kalsada.

Nagtamo ng malubhang pinsala si Villorente na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Samantala dinala naman sa Amang Rodriguez Medical Center ang dalawang sakay ng isa pang motorsiklo matapos magtamo rin ng mga injuries sa kanilang katawan.

Nagpapatuloy pa sa ngayon ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa nangyaring aksidente./SM