Connect with us

Aklan News

6 AT 2 MINOR DE EDAD, ARESTADO DAHIL SA ILIGAL NA PANGINGISDA

Published

on

Illegal Fishing

Tangalan – Anim at dalawang menor de edad ang arestado dahil sa iligal na pangingisda sa karagatang bahagi ng Dapdap, Tangalan.

Matapos kumpiskahin ng Bantay-Dagat ang kanilang bangka at mga nahuling hipon, kaagad dinala sa Tangalan PNP Station ang mga naarestong sina Joebert Guarte, 35 anyos; Adrian Guarte , 20 anyos; Jovy Guarte, 21 anyos; Nelson Carillo, 20 anyos; Jason Carillo, 30 anyos; Chris John Pastores, 21 anyos, at ang minor de edad na 14 anyos, lahat taga Libuton, Bakhaw, Norte, Kalibo at ang isang 16 anyos naman na taga Camanci, Norte, Numancia.

Pinagmumulta ang mga ito ng tig P2,500.00 bawat isa sa kanilang paglabag sa Municipal Ordinance 2003-082, kaugnay sa Municipal Code of Tangalan in relation to RA 10654, o Illegal Fishing.

Tinatayang nasa P3,000.00 ang halaga ng mga hipon ang narekober ng Bantay-Dagat maliban pa sa mga gamit sa pangingisda katulad ng fish net, at fish gear.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *