Connect with us

Aklan News

AKSIDENTE SA KALSADA

Published

on

Ibajay – Dahil sa madulas na kalsada dulot ng ilang araw ng pag-ulan, isang kotse ang naaksidente bandang alas 5:00 kaninang Umaga sa highway ng Regador, Ibajay.

Kinilala ng Ibajay PNP, ang mga sakay ng kotse na sina Eriberto Blanca Manoba, 64 anyos na siyang driver at mga kasamang sina, Nikki Pio Oraiz, 22 anyos at ang 6 na taong gulang na batang babae, lahat mga taga Novaliches, Quezon City.

Ayon Kay Pol. Corporal Richard Solis imbestigador ng Ibajay PNP, bumibiyahe umano papuntang Ibajay ang tatlo nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho ang driver dahil sa madulas na kalsada.

Resulta, bumangga umano sa steel barrier ang kotse rason na napinsala ang harapang bahagi nito.

Dahil dito, sumama ang pakiramdam at nahilo si Oraiz, dahilan upang isugod siya sa Ibajay district hospital.

Bagama’t wala namang sugat sa katawan, minarapat parin umano itong ipacheck up sa isang ospital sa Kalibo habang hindi rin nasugatan ang dalawa nitong kasama.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *