Connect with us

Aklan News

2 arestado matapos mahulihan ng marijuana sa kasagsagan ng Ati-atihan Festival

Published

on

ARESTADO ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng isang plastic sachet ng marijuana sa Pedestrian Screening Area sa bahagi ng 19 Martyrs Street sa kasagsagan ng Kalibo Ati-atihan Festival 2023.

Nakilala ang mga naaresto na sina Glen Reyes, 48-anyos at Niño Dela Cruz, 33-anyos kapwa residente ng Barangay Andagao, Kalibo.

Ayon kay Reyes, nakita niya lamang ang naturang plastic sachet ng dried marijuana sa kanyang kalakal may dalawang buwan na ang nakakaraan.

Sa katunayan aniya ay ituturn-over na niya ito sa mga kapulisan ngayong araw.

Samantala ayon naman sa kasamahan nitong si Dela Cruz hindi niya alam na may dalang marijuana si Reyes.

Isasama niya lang sana ito sa kanyang kaibaigan sa Laserna Street para makisaya sa selebrasyon ng ati-atihan.

Matapos ang isinagawang inventory sa dalawa, kaagad itong dinala sa Kalibo Police Station para sa karampatang disposisyon.

Advertisement

Kaugnay nito, kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act of 2022 ang kakaharapin ni Reyes at Dela Cruz.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published.