Connect with us

Aklan News

18 ANYOS NA DALAGANG NAGHAHANAP NG SIGNAL, NASAGI NG SASAKYAN

Published

on

By

Nagpapagaling ngayon sa Aklan Provincial Hospital ang isang 18 anyos na dalaga matapos masagi ng sasakyan kahapon sa Brgy. Sipac, Malinao.

Nakilala ang biktimang si Jessa Francisco, 18-anyos ng nabanggit na barangay.

Batay sa ulat, dakong alas-6:45 kagabi nang masagi ng sasakyan ang dalaga habang naglalakad sa gilid ng kalsada para maghanap ng signal sa cellphone.

Naipit ang kanang paa ng biktima at nagtamo ng mga gasgas sa katawan.

Mismong ang driver naman ng sasakyan ang nagdala sa biktima sa ospital.