Connect with us

Aklan News

RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN MATAPOS BUMANGGA SA TRAYSIKEL

Published

on

Sugatan ang isang rider matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang traysikel pasado alas 5:00 kaninang hapon sa highway ng Linabuan Sur, Banga.

Nakilala ang biktimang si Albert Sambrona, 34 anyos ng Tabayon, Banga, habang nakilala naman ang drayber ng pampasaherong traysikel na si Rey Rescate, 59 anyos ng Linabuan Norte, Kalibo.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, papunta sa direksyon ng Banga ang traysikel, subalit lumiko umano ito pabalik sa Kalibo, dahilan upang mabangga ito ng kasunod na motorsiklo ni Sambrona.

Dahil dito, sumemplang ang motorsiko ng biktima at nagtamo ito ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Kaagad siyang ginamot ng mga personnel ng MDDRMO Banga bago isinugod sa ospital.

Samantala, dahil sa tindi ng pinsalang nakamit, naiwan sa lugar na pinangyarihan ng aksidente ang traysikel, habang nasa impounding area naman ng Banga PNP Station ang motorsiklo ng biktima.

Wala namang iba pang napaulat na nasugatan o nadamay sa aksidente.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *