Connect with us

National

285 panibagong kaso ng #COVID19, naitala ngayong araw; kabuuang kaso umaabot na sa 7,579

Published

on

Nadagdagan ng 285 na panibagong kaso ng coronavirus infection ang bansa ngayong araw na may kabuuan ng 7,579 covid 19 confirmed cases.

Sa kabila nito, ibinalita naman ng Department of Health na may 70 recoveries ngayong araw o 862 na sa kabuuan. Umakyat naman sa 501 ang death toll matapos madagdagan ng 7.


Samantala, ayon sa University of the Philippines Resilience Institute na malaking tulong at epektibo ang pinapatupad na enhanced community quarantine sa Luzon at ibang bajagi ng bansa para mapabagal ang pagkalat ng covid 19.

Matatandaan na in-extend ni Pangulong Duterte ang ECQ hanggang May 15 sa Metro Manila at sa ibang parte ng bansa na layon upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Ayon naman sa Johns Hopkins University of Medicine Coronavirus Resource Center, umaabot na sa halos 2.8M ka tao sa buong mundo ang na infect ng nakakamatay na virus at masobra 203,000 naman ang namatay.

Years/background in Media works: 22 years
Why chose this profession: It's my DESTINY
Principle in life: Never expect. Never assume. Never ask. And never demand. Just let it be, if it's meant to be, it will happen.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *