Connect with us

National

Roque, sasampahan ng kaso ang mga nagpapakalat ng fake news hinggil sa sinabi niya

Published

on

Larawan mula sa www.getrealphilippines.com

Handang sampahan ng kaso ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga nagpapakalat ng fake news sa umanoy binitawan niyang pahayag.

Kalat na sa social media ang sinasabing pahayag ni Roque na: “COVID lang ‘yan, kunti lang namamatay, kahit umabot pa ng 10 million and infected sa Pinas, walang mawawala sa atin, siguro 10 thousand lang ang patay. Be thankful instead kasi ang Pangulo natin ay hindi nahahawaan. Kaya blessed pa din tayo.”

Mariin naman itong pinabulaanan ni Roque. Ayon sa kanya, ibang-iba ito sa mga sinabi niya. Sa isang online press briefing, nagpaalala si Roque na mag-ingat ang mga tao sa mga fake news.

Dagdag pa ni Roque, “’Yung mga nagkakalat ng fake news, sasampolan ko kayo. Pai-imbestigahan ko kayo at ako ay magsasampa ng kaso. Antayin nyo ‘yan.”

Pinayuhan din ni Roque ang publiko na beripokahin muna sa official page o sa mismong tanggapan ng Presidential Communications Operations Office ang anumang impormasyong matatanggap.

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *