Connect with us

International

Lalaking namaril sa isang party sa West Virgina, patay nang barilin ng isang bystander na babae

Published

on

Web Photo

Patay ang isang lalaking walang habas na namaril sa isang party sa Charleston, West Virginia, matapos barilin ng isang nagmalasakit na bystander na nagkataong may dalang baril.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang pagmamalasakit ng babaeng bystander na hindi pinangalanan ay malaking tulong na maagapan ang sana’y isa na naming madugong krimen.

Napag-alaman na bago pa man umano magsimula ang pamamaril, nauna nang nasita sa lugar ng party ang suspek na kinilalang si Dennis Butler, 37-taong gulang ay mayroon nang criminal history. dahil sa mabilis na pagmamaneho nito.

Pinagsabihan umano ito na huwag magmaneho ng mabilis dahil may mga batang naglalaro.

Bigla na lamang bumalik ang suspek dala ang isang AR-15-type rifle at walang habas na pinagbabaril ang party venue na may humigit kumulang 40 katao.

Sa pahayag ni Police spokesman Tony Hazelett, mabilis na sumaklolo ang babaeng bystander na nagkataong dala ang kaniyang lisensyadong baril at mayroong permit to carry.

Napag-alaman ding walang background sa law enforcement ang babae.

“She’s just a member of the community who was carrying her weapon lawfully,” ani Hazelett. “And instead of running from the threat she engaged with the threat and saved several lives.”

Saad pa ni Hazelett, nanatili ang bystander sa pinangyarihan ng pamamaril at nakipagtulungan sa mga otoridad. Hindi na rin umano sasampahan ng kaso ang babae.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa nangyaring pamamaril at kung saan nakuha ng suspek ang baril nito.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *