Connect with us

Iloilo News

DepEd Iloilo City, handa na sa muling pagbubukas ng klase sa ilalim ng ‘new normal’

Published

on

Handa na ang Department of Education (DepEd) Iloilo City sa muling pagbubukas ng klase sa ilalim ng ‘new normal’.

Ayon kay Iloilo City Schools Division Superintendent Dr. Ma. Luz Delos Reyes, hindi maiiwasan ang panghihikayat sa mga guro katulad na lang sa paghahatid ng mga modules sa lockdown barangays.

Pero aniya, may mga inihandang plano na ang bawat paaralan kaugnay nito.

Paliwanag pa ni Delos reyes, pinili ng karamihang mga estudyante at magulang sa lungsod ng Iloilo na online digital at modular print ang learning modalities.

Siniguro din nito na naaayon sa edad at kapasidad ng mga kabataan ang learning modules at hindi mahihirapan ang mga magulang.

Dagdag pa ni Delos Reyes, wala pang naibigay na guidelines ang DepEd kung paano i-assess at mabigyan ng grado ang mga kabataan sa ilalim ng ‘new normal’.