Connect with us

TODO Espesyal

Indian bride, umatras sa kasal dahil sa groom na hindi nakasagot ng basic math test

Published

on

Photo|BW Business world

UMATRAS sa kasal ang isang bride sa India nang hindi maka-recite ng multiplication table ang kanyang groom bago ang wedding ceremony.

Nakatakda na sanang mag-isang dibdib ang bride at groom pamamagitan ng arranged marriage nitong May 1.

Pero bago opisyal na maikasal, pinag-recite muna ng multiplication table ng bride ang groom dahil nagdududa ito sa kanyang educational background.

Hindi ito nagawa ng groom kaya nag walk-out ang bride at sinabing hindi ito papayag na magpakasal sa isang taong walang alam sa basic math.

Hindi umano sinabi ng pamilya ng groom na wala pala itong pinag-aralan.

Nagkasundo naman ang dalawang pamilya na magsaulian ng mga regalo at alahas na para sana sa kasal.

Matatandaan na noong 2015, isang Indian bride rin ang umatras sa kasal dahil hindi nakasagot ang groom sa isang math test.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *