Connect with us

TODO Espesyal

Inutusan daw ng Panginoon si Pastor sa Africa na bubuhayin si Kobe?

Published

on

Kaya raw buhayin ni Nigel Gaisie, isang Ghanaian prophet, si NBA superstar at Los Angeles Lakers basketball legend Kobe Bryant at anak nitong si Gianna.

Ayon sa article ng Standard Media, habang nagsasalita sa kanyang congregation ay ibinahagi ni Gaisie na kaya raw nito i-resurrect sina Kobe at Gianna na utos sa kanya ng Panginoon.

“The Lord just took me into the spirit world, and I have seen a great man fall. This news will shake the entire world because of how great this man is. I see a lot of people on social media talking about the man for weeks to come and I see a lot of sad faces,” saad ni Gaisie.

“America will mourn this great man. The Lord then instructed me to announce to the family of this man, the American embassy in Ghana and the entire world that He the Lord has not sanctioned the death of this man.”

Ngunit, may kondisyon si Gaisie para muling buhayin sina Kobe at Gianna.

Ayon sa kanya, magagawa niya lamang ito kung ibibigay sa kanya ang 10% ng net worth ni Kobe.

“Nigel, tell the family of this man and tell the entire world, should they agree to pay my tithes and offerings I will use you as a vessel to bring this man and his daughter back to life,” sabi raw ng Panginoon kay Nigel.

“The man is worth 500 million dollars and should the family agree to give 10% of his income to me, I will bring them back to life. Thus sayeth the Lord! Without the money, I cannot bring him and the little girl back.”

Hiniling rin ni Giasie na manalangin at pasalamatan ang Panginoon na nais nitong gawin siyang instrumento para sa isang malaking milagro.

Pinaalalahanan rin nito ang kanyang congregation na ipaabot ang mensahe sa pamilya ni Kobe, American consulate sa Ghana, at nagbabala rin sa kanyang mga associate na huwag pagdudahan ang salita ng Almighty Jehovah.

Article: ABANTE

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *