Connect with us

Aklan News

CONJOINED TWINS, ISINILANG SA AKLAN

Published

on

Patuloy ngayong lumalaban sa kanilang buhay ang conjoined twins na isinilang sa Aklan Provincial Hospital noong nakaraang araw.

Ayon sa ina ng mga sanggol na si Donna Sabsalon, dinala sya sa nasabing ospital ala una ng hapon noong July 16 taong kasalukuyan para iluwal ang kanyang kambal.

Alas 11:50 ng gabi ng isinailalim ito sa Caesarean operation dahil hindi niya kayang manganak ng normal.

Laking gulat na lamang nila ng sabihan sila ng doktor na magkadikit ang katawan ng mga bata.

Ayon pa kay Donna, nagpapa ultra sound naman ito at alam nyang kambal ang kanyang magiging anak pero hindi nya alam na magkadikit ang kanilang katawan.

Para maisalba ang buhay ng mga sanggol, kailangan itong madala sa Iloilo para doon ma-examine at isailalim ang operasyon.

Dahil sa pangingisda lamang ang hanap buhay ng mag asawa ay wala silang sapat na pera para madala sa Iloilo ang mga sanggol.

Napag alaman na pangatlong anak ito ng mag-asawang Peter at Donna Sabsalon ng Naasog, Malay, Aklan ang kambal.

Sa ngayon ay naka Confine sa NICU ng Aklan Provincial Hospital ang mga sanggol.

Abangan ang buong kwento bukas umaga sa programang Todo Latigo..