Connect with us

Capiz News

MOST WANTED PERSON SA SAPIAN, CAPIZ, ARESTADO SA MGA KASONG HOMECIDE AT FRUSTRATED HOMECIDE

Published

on

Arestado ang isang most wanted person sa Sapian, Capiz dahil sa mga kasong Homecide at Frustrated Homecide sa nitong Martes ng gabi.

Kinilala ang akusado na si Ben Cuagon, 35-anyos, laborer, residente ng Sitio Casay, Brgy. Agtatacay Sur sa nasabing bayan.

Siya ay inaresto ng Sapian PNP sa pamumuno ni PLt. Francisco Motos Umiten Jr., hepe, habang nagsasagawa ng intelligence monitoring sa Brgy. Bilao.

Matapos maispatan sa lugar ay isinerbe ng kapulisan ang warrant of arrest sa akusado. Php120,000 ay pyansa niya sa kasong Homecide habang Php72,000 naman para sa Frustrated Homecide.

Ang mga warrant ay ibinaba ni Presiding Judge Rommel Lacson Leonor, ng Regional Trial Court, 6th Judicial Region, Branch 21, Mambusao, Capiz nitong Pebrero 8.

Nasa kostudiya ngayon ng Sapian PNP ang naturang akusado para sa kaukulang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *