Connect with us

Capiz News

DATING KONSEHAL AT DALAWANG IBA PA ARESTADO SA DRUG BUY BUST OPERATION

Published

on

Arestado ang isang dating konsehal ng barangay at dalawang iba pa sa isang drug buy bust operation sa Brgy. Dumlog, Roxas City, Capiz hapon ng Martes.

Kinilala ang dating konsehal na si Nicolai Linen Bellosillo, 39-anyos, residente ng Brgy. Poblacion, Panay, Capiz.

Nabatid na dati na itong nakulong noong 2017 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 pero nakalaya matapos maka-avail ng plea bargaining sa korte.

Kasamang inaresto ng kapulisan sina Josefino Frondosa, 35, at Jan Michaela Estulo, 19, mga residente ng Brgy. Dumlog, Roxas City.

Ang operasyon ay ikinasa ng pinagsamang mga tauhan ng Capiz PDEU, Roxas City CPS and PDEA 6.

Inaresto ang mga suspek matapos mabilhan isang police poseur buyer ng isang sachet na naglalalman ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng Php1500.

Dagdag pa na narekober mula sa mga suspek ang 10 piraso ng mga plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, tatlong cellphone, at mga drug paraphernalia.

Tinatayang nasa 10 gramo ang narekober na droga at nagkakahalaga ng nasa Php70,000.

Nakakulong na sa Roxas City PNP Station ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang mga kaso.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *