Connect with us

Capiz News

Brgy. Libas, Roxas City gumawa ng alternative disinfecting pod kontra COVID-19

Published

on

Gumawa ng isang alternative disinfecting pod o sanitation tent ang Sangguniang Kabataan ng Brgy. Libas, Roxas City kontra sa Corona Virus o COVID 2019.

Ayon sa Facebook post ng SK Libas, ito umano ang pinakauna sa buong syudad.

Ginawa umano ang tent batay sa mga safety precautions na ipinatutupad sa mga bansang gaya ng China, South Korea at Japan.

“This project was initiated due to its importance to the public health of the community in Libas,” saad ng SK Libas.

Target ng disinfecting pod ay mga mikrobyo kabilang ang mga viruses sa pamamagitan ng pag-sanitize sa tao sa loob ng pod.

Gumagamit ito ng humidifiers na nakalagay sa loob ng pod para mabawasan ang pagkalat ng virus. Mayroon ding disinfectant mat na may kakayahang mag-alis ng virus kahit sa paa.

Ang disinfecting pod ay inilagay sa police outpost malapit sa Libas Fishing Port.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *