Connect with us

Capiz News

11-ANYOS NA BATA, NALUNOD SA ILOG SA PANITAN, CAPIZ

Published

on

Isang 11-anyos na batang lalaki ang patuloy na pinaghahanap ngayon matapos malunod sa Paslang Rivee, Brgy. Salocon, Panitan, Capiz nitong

Kinilala ang biktima na si alyas Debdeb, residente ng nasabing barangay.

Nabatid na niyaya lamang ang biktima ng isang 9-anyos na bata na si alyas Dodoy para magtapon sana ng patay na hayop sa ilog.

Kasunod nito ay nagyayaan umano ang dalawa na magsakay sa isang balsa hanggang sa napunta sila sa malalim na bahagi ng ilog.

Tumalon ang dalawa sa balsa. Nalunod ang biktima dahil hindi umano ito marunong lumangoy.

Mabilis na humingi ng tulong ang menor de edad na kasama ng biktima sa kaniyang ama bagay na sinubukang ng huli na sisirin ang ilog pero bigo itong matagpuan ang bata.

Nagsagawa ng rescue ang MDRRMO-Panitan, BFP-Panitan kasama angPhilippine Coast Guard (PCG)-Capiz kag Capiz Emergency Response Team pero hindi pa natatagpuan ang bata.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *