Connect with us

Aklan News

TRAYSIKEL, BUMANGGA SA GUTTER, LASING NA DRIVER SUGATAN

Published

on

disgrasya sa kalsada

Kalibo — Sugatan ang isang driver ng traysikel matapos aksidenteng bumangga sa gutter bandang alas 8:00 kagabi sa Andagao, Kalibo. Nakilala ang biktimang si Rex Villanueva, 52 anyos ng nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Kalibo PNP, nagmamaneho ng traysikel pauwi ang lasing na biktima nang aksidenteng bumangga sa gutter ng kalsada. Resulta, nagtamo ng pinsala sa katawan ang biktima na sinasabing nahulog mula sa minamanehong traysikel.


Kaagad namang dinala at ginamot sa ospital ang biktima habang naiwan sa lugar ang traysikel dahil sa pinsalang tinamo nito sanhi ng insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *