Connect with us

Aklan News

PWD pinagkatuwaan, pinagawa ng malaswa habang kinukuhaan ng video at ipinost sa tiktok

Published

on

By

HINDI MATANGGAP ng isang ama ang sinapit ng kanyang 21-anyos na anak na isang PWD matapos pagkatuwaan ng isang lalaki sa bayan ng Kalibo.

Ayon sa ama ng biktima, may nakapagsabi sa kanya na ang kanyang anak ay may videong kumakalat sa Tiktok.

Nang usisain ng ama, halos madurog ang kanyang puso na makitang pinagma-mast*rbate habang kinukuhaan ng video ang kanyang walang muwang na anak.

Hindi lubos maisip ng ama ng biktima na may taong makakagawa sa kanyang anak ng ganoon at nahamak nitong pagsamantalahan ang kahinaan nito at trinatong parang laruan.

Dahil dito ay nagtungo ang ama sa tanggapan ng MSWDO Kalibo upang humingi ng advise subalit itinuro naman ito sa Kalibo PNP at sinabihan na ipa-blotter ang nangyari.

Sinunuod naman niya ito sa pag-aakalang matutulungan siya.

Ngunit pagdating sa Kalibo PNP ay ini-refer siya sa women’s desk kung saan dismayado siya sa tinuran sa kanya ng mga kapulisan.

Pahayag ng ama ng biktima na sinabihan siya ng mga ito na balikan ang itinuturong suspek at tanungin kung ano ang pangalan nito at saka na lamang bumalik.

Kwento kasi nito sa Radyo Todo, kilala niya sa mukha ang suspek ngunit hindi niya kilala sa pangalan.