Connect with us

Aklan News

LASING NA NANGURSUNADA, BINATO SA ULO

Published

on

New Washington — Sugatan sa ulo ang isang lasing matapos umanong batuhin sa ulo bandang alas 5:00 kahapon ng hapon sa Tambak, New Washington.

Bagama’t hindi na pinangalanan ang magkabilang panig matapos magkasundo sa presinto ng New Washington PNP, nabatid na 48 anyos ang biktimang mangingisda na residente ng nasabing lugar, habang 24 anyos naman ang suspek na taga Linabuan Norte, Kalibo.


Base sa imbestigasyon ng New Washington PNP, nasa loob noon ng isang restaurant ang suspek at anim pa nitong kasama nang dumating ang biktima.

Sinasabing binato ng biktima ang grupo ng suspek sa loob, rason na umalma ang suspek at gumanti ng pagbato sa biktima.

Tinamaan at nasugatan sa ulo ang biktima na kaagad dinala sa ospital, subalit kaagad ding nakalabas.

Samantala, kaagad ikinustodiya ng mga pulis ang nambato sa biktima matapos ang insidente, subalit kinumpirma ng New Washington PNP na nagkaareglo sa presento ang magkabilang panig.

Sinasabing napagtripan lamang ng lasing na biktima na batuhin ng grupo ng suspek nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *