Connect with us

Aklan News

LALAKING NALIGO SA DAGAT NA NAKAINOM, PATAY MATAPOS MALUNOD

Published

on

Malay – Dead on arrival sa Malay Hospital ang isang lalaki matapos umanong malunod-patay bandang alas 2:30 kaninang hapon sa dagat na sakop ng Caticlan, Malay.

Nakilala ang biktimang si Louie Tubi, tinatayang nasa 30 anyos, tubong Hinag-uman, Ferrol, Romblon, at stay-in worker sa isang machine shop sa Caticlan.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng Malay PNP, nasa impluwensiya umano ng alak ang biktima nang maligo ito sa dagat.

Ilang sandali pa, hindi na umano ito nakita ng mga kasama, kung kaya’t hinanap nila ito hanggang matagpuan sa tubig sa tinatayang 30 metro ang layo mula sa dalampasigan.

Rumesponde naman ang mga taga MDRRMO at dinala sa Malay Hospital ang biktima subalit hindi na umano ito umabot ng buhay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *