Connect with us

Aklan News

Kalibo Pastrana Park magiging sentro ng opening salvo

Published

on

By

Kinumpirma ni Kalibo Vice Mayor Cynthia dela Cruz na ang Pastrana Park ang magiging sentro ng mga aktibidad sa Opening Salvo.

Sinabi niya sa panayam ng Radyo Todo na maging ang State of the Municipality Address (SOMA) ni Mayor Juris Sucro ay dito rin gaganapin sa unang pagkakataon.

Dagdag ng bise alkalde, abala ngayon ang lokal na pamahalaan sa paghahanda sa opening salvo na gaganapin sa Oktubre a-8.

Tuloy rin aniya ang sadsad, Miss Kalibo at kasama rin sa mga pinaplano ang concert pagkatapos ng SOMA ng alkalde.

Ipinahayag din niya na bumuo sila ng Kalibo Ati-Atihan Festival Board (KAFEB) sa ilalim ng Local Government Unit na siyang mangangasiwa sa Ati-Atihan Festival.

Pero dadaan pa umano ito sa legislation at inaayos pa nila ang composition bago aprubahan ng Sangguniang bayan.