Connect with us

Aklan News

LTO Western Aklan District Office malapit nang magbukas

Published

on

By

Malapit nang magbukas ang Land Transportation Office Western Aklan District Office sa bayan ng Ibajay.

Sa panayam ng Radyo Todo kay LTO Aklan Chief Marlon Velez, ipinahayag nito na nasa 95% nang handa ang istraktura ng naturang opisina.

“It’s almost 95 percent nga ready do structure… building, ‘yong mga windows pati ‘yong mga work stations,” ani Velez.

Subalit, wala pa aniya silang mandato mula sa central office sa pag-uumpisa ng operasyon ng naturang district office gayundin na wala pa silang order para sa assignment ng mga personnel.

“Pero wala pa kami mando from central office to start kag wala pa orders sa mga personnel nga iga-assign didto.”

Samantala, wala pang ideya si Engr. Velez kung ang mga personnel mula sa Caticlan LTO Office ang ilalagay sa LTO Western Aklan District Office.

Nilinaw naman ni Velez na sa ilalim ng pamunuan ng Regional Office ang LTO Western Aklan District./SM