Connect with us

Aklan News

51 na bagong COVID-19 cases, naitala sa Kalibo; kabuuang bilang sa Aklan ngayong araw, pumalo sa 140

Published

on

Larawan mula sa FB page ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit

Pumalo sa 140 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Aklan ngayong araw ng Biyernes, Hulyo 16, 2021.

Pinakamarami ang naitala sa bayan ng Kalibo na umabot ng 51, batay sa pinakahuling ulat ng Aklan Provincial Epidemiology and Surveillance Unit.

Sa 331 na sumailalim sa swab testing kahapon Hulyo 15, 2021, mas marami ang nag negatibo na may kabuuang bilang na 191.

Isa naman ang nasawi sa araw na ito.

Tingnan ang mga bagong naitalang kaso sa bawat bayan:

Banga: 15
Batan: 3
Ibajay: 7
Kalibo: 51
Malay: 10
Malinao: 2
Nabas: 7
New Washington: 16
Numancia: 19
Tangalan: 10

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *