Connect with us

Aklan News

2 Lalaking ilegal na nagsasabong, Arestado

Published

on

Image|Malay PNP

Arestado ang dalawang lalaki matapos maaktuhang iligal na nagsasabong sa Brgy. Kabulihan, Malay, 10:30 ng umaga noong sabado.

Nakilala ang mga nahuli na sina Jude Babor Carreon, 49 anyos, miyembro ng Matoda at residente ng Guinhulingan Negros, Oriental at kasalukuyang nakatira sa bayan ng Malay at Marcial Absalon Gregorio, Construction Worker at residente ng nasabing lugar.

Nakatanggap umano ng tawag ang Malay Pnp galing sa isang impormante na may nagaganap na Illegal Cockfighting o “sabong” sa lugar.

Agad na nirespondihan ito ng mga otoridad at naaktuhan ang mga kalalakihang nagsasabong.

Nakatakbo umano ang ibang kasamahan ng mga ito at ang dalawang lang ang naaresto.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang limang panabong na manok ang isa rito ay patay na at ang isa pa ay sugatan at dalawang tari.

Narekober rin ang perang pantaya na nagkakahalaga ng P1,100.00.

Sa ngayon nakakulong pansamantala ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *