Connect with us

Aklan News

LASING NA NAGBANTA SA GUWARDIYA AT NAGMURA SA PULIS, ARESTADO

Published

on

Arestado ang isang lasing matapos pagbantaan ang isang guwardiya at murahin pa umano ang isang pulis bandang alas 7:00 kagabi sa Brgy. Andagao, Kalibo.

Nakilala ang nagreklamong guwardiya na si Ronnil Dela Cruz, 38 anyos ng D’Maagma St., Poblacion, Kalibo, at ang minurang pulis na si PSSgt. Joseph Cavan ng Kalibo PNP, habang pansamantalang ikinustodiya sa Kalibo PNP Station ang suspek na si Ruel Peralta, 29 anyos ng Bliss Site Subdivision, Kalibo.

Base sa police report, nakaduty noon sa isang drugstore ang guwardiya nang mapansin umano nito ang lasing na nahulog mula sa minamaneho nitong motorsiklo.

Subalit sinita umano ng suspek ang guwardiya at kinumpronta kung pinagtatawanan siya nito.

Lumapit pa umano ang suspek at binantaang babalikan ang sekyu rason na tumawag na ito ng pulis.

Pinara umano nina PSSgt. Cavan ang nagpatuloy sa pagmomotorsiklong suspek, subalit si Cavan naman ang kanyang minura.

Kasunod nito, inaresto na ang lasing at dinala sa estasyon ng pulisya para sa karampatang disposisyon.