Connect with us

Aklan News

2 RIDER NG MOTORSIKLO, SUGATAN SA AKSIDENTE ISA PATAY

Published

on

Photo| Peter Cris Mandia FB

New Washington – Isa ang patay sa dalawang rider ng motorsiklo na naaksidente pasado ala 1:00 kaninang madaling araw sa Barangay Tambak, New Washington.

Nakilala ang biktimang binawian ng buhay na si Jerald Sampiano Tabios,  23 anyos, na siyang, driver ng motorsiklo, at ang angkas nitong si Rex Dionesio Neron, 23 anyos, pawang residente ng Baybay, Tangalan.


Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, nagmomotorsiklo galing sa Tambak, New Washington ang dalawa papuntang Kalibo, nang mawalan umano ng kontrol sa pagmamaneho ang driver na si Tabios pagdating sa kurbadang kalsada malapit sa tulay at bumangga sa barandilya doon.

Dahil dito, sumemplang ang motorsiklo rason na nagtamo ng malubhang sugat at pinsala sa katawan ang mga biktima.

Kaagad silang dinala sa ospital, subali’t idineklarang dead on arrival doon si Tabios habang patuloy namang ginagamot si Neron.

Samantala, nabatid na kapwa lasing ang mga biktima nang mangyari ang insidente.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *