Connect with us

Regional News

Dahil sa pakikipagsiping sa inmates, Kalaboso si Tsip

Published

on

Arestado ang hepe ng Argao Police Municipal Station sa Cebu dahil sa ‘pakikipagtalik’ at ‘pagpapatulog’ umano ng 2 babaeng inmates sa kaniyang kuwarto.

Kinilala ni PCol. Ronald Lee, direktor ng PNP-IMEG, ang inaakusang pulis na si PMaj. Ildelfonso Miranda Jr., 46-anyos.

Huli sa aktong katabi ni Miranda sa kama ang isang preso sa isinagawang operasyon noong huwebes habang naiwan sa opisina niya ang isa pang bilanggo.

May nakuha din sa cellphone ng hepe na mga litrato ng 2 inmates na katabi niya sa loob ng silid.

Sangkot umano sa drug-related cases ang dalawa.

Sa imbestigasyon, lumalabas na karelasyon umano ni Miranda ang isa sa mga bilanggo kung saan nagsisilbing helper naman ang isa pa.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act ang hepe, Direct Bribery at paglabag sa Article 156 ng Revised Penal Code na nagbabawal ng ‘Delivery of Prisoners from Jail.’

Continue Reading
Advertisement
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *