Connect with us

Politics

MGA SUPPORTERS NI PRESIDENTIAL CANDIDATE BONGBONG MARCOS, MAHIGPIT NA MAGBABANTAY PARA HINDI MADAYA SI BBM

Published

on

By

Hindi tutulugan at babantayan umano ng mga tagasuporta ni presidential candidate Bongbong Marcos ang darating na eleksyon para hindi na maulit ang diumano’y pandaraya dito.

Ito umano ang buong pwersang sigaw ng mga tagasuporta ng BBM-Sara tandem sa kanilang isinagawang rally sa Marikina.

Hindi umano inalintana ng mga UniTeam supporters ang malakas na pagbuhos ng ulan at dinumog pa rin ng mga ito ang nasabing rally at ipinasiguro ng mga ito na hindi na umano muling madadaya si Marcos katulad ng nangyari noong 2016 election kung saan tumakbong bise-presidente si BBM.

Ikinagalak naman umano ni   Marcos ang ipinakitang suporta ng libo-libong tao na dumalo sa kanilang rally sa Marikina.

Dagdag din na pinasalamatan ni BBM ang mahigit sa 3M viewers sa live broadcast ng SMNI News sa Marcos-Sara rally sa Marikina.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *