Connect with us

Politics

MAYOR SARA AT BASTE DUTERTE, TATAKBO PARA SA REELECTION — SPOX

Published

on

By

TATAKBO para sa reelection si Davao City Mayor Sara Duterte at ang kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian Duterte sa eleksyon 2022.

Kinumpirma ito mismo ng spokesperson ng alkalde nitong Huwebes, Septyembre 16.

“Yes, this is confirmed. According to Mayor Sara, she will run for reelection as Davao City Mayor,” mensahe ni Liloan, Mayor Christina Frasco.

Mababatid na ilang beses nang lumalabas ang pangalan ng alkalde sa pagka-presidente.

Nangunguna rin si Sara sa mga nakaraang presidential preference survey.

Samantala, inanunsyo naman ng presidential daughter na hindi siya tatakbo sa national position matapos tanggapin ni Pang. Duterte ang nominasyon ng PDP-Laban para tumakbo sa pagka-bise presidente.

Panawagan ni Sara, sana’y suportahan na lang ang plano ng pangulo para sa halalan 2022.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *