Connect with us

Politics

BONGBONG MARCOS, SUPORTADO NG PDP LABAN

Published

on

By

Photo: Bongbong Marcos/FB

Pinasalamatan ng kampo ni presidential candidate Bongbong Marcos at ng kanyang running mate na si vice presidential candidate Sara Duterte ang PDP Laban Wing na pinamumunuan ni Energy Sec. Alfonso Cusi matapos suportahan ng partido ang kanilang tandem.

Ayon kay Cusi nabuo umano ang kanilang desisyon na suportahan ang BBM-Sara tandem dahil nakita umano nila na ang dalawa ang magpapatuloy sa magandang sinimulan ng administrasyong Duterte.

Nauna dito, ipinahayag ni Cusi na si Marcos ang kandidatong may ‘vision of governence’ na naaayon sa 11 point agenda ng PDP Laban.

Kalakip dito ang isinusulong ni Marcos na pagkakaisa para makamit ang paglago ng ekonomiya at ang pamumuhay ng bawat Pilipino, pagsawata sa korapsyon, advancement of peace and order, pagbangon sa kahirapan dala ng pandemya, maraming trabaho, pagpapaunlad sa parte ng edukasyon, national defense at foreign relations.

Maaalala na noong Enero taong kasalukuyan, nauna nang inindorso ng PDP Laban si Sara Duterte bilang kanilang vice presidential candidate.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *