Connect with us

National

Tinanggal ng YouTube ang Opisyal na Channel nang kontrobersyal na si Evangelist Apollo Quiboloy

Published

on

By

Pastor Apollo C. Quiboloy

Tinanggal ng tanyag na video-sharing platform na YouTube ang opisyal na channel ni Pastor Apollo Quiboloy ngayong Miyerkules.

Ang hakbang na ito ay naganap pagkatapos mag-tweet ng isang Canadian user na may handle name na @OrdinaryGamers na humihiling sa intervention ng YouTube, at nagpahayag ng mga alalahanin tungkol sa potensyal na human trafficking.

“Yo someone at @TeamYouTube has to help the feds or shut this account down,” nagtweet si @OrdinaryGamers noong Martes, na nagsasabing, “Actual human trafficking priest is running a channel still reaching out to victims less than 12 hours ago.”

Mutahar

Kinumpirma ng YouTube ang pagtanggal sa channel ni Quiboloy dahil sa mga paglabag sa mga Community Guidelines. “Upon review, we’ve determined that the channel is in violation of Community Guidelines and has been terminated,” inanunsiyo ng YouTube sa Twitter ngayong Miyerkules ng umaga.

Ang tinanggal na channel ni Quiboloy ay mayroong na 47,600 subscribers.

Quiboloy FBI wanted list

Kasalukuyang wanted sa United States Federal Bureau of Investigation (FBI) si Quiboloy dahil sa mga kasong “Conspiracy to Engage in Sex Trafficking by Force, Fraud and Coercion, and Sex Trafficking of Children. Siya ay nasa Most Wanted list ng FBI simula pa noong Pebrero ng nakaraang taon.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *