Connect with us

International

PRESONG NAKALIGTAS SA DEATH PENALTY, NAMATAY SA SOBRANG SAYA

Published

on

By

Namatay sa atake sa puso ang isang convict sa Iran matapos malaman na ligtas na siya sa parusang bitay.

Kinilala ang namatay na si Akbar, 55 anyos, na inaresto sa Bandar Abbas, Iran noong 2003 dahil sa kasong “premeditated murder”.

Makaraan ang 18 taong pananatili sa loob ng kulungan, pinagkalooban si Akbar ng pardon ng gobyerno at pinatawad ng pamilya ng biktima.

Habang nakaupo sa loob ng kulungan, ipinaabot ng isang staff ng kulungan ang magandang balita kay Akbar pero dahil sa sobrang tuwa, inatake siya sa puso at namatay nang hindi pa nakakalaya.

Nabatid na matagal nang natatakot ang bilanggo sa parusang bitay at habang naghihintay ng himala, nagkaroon na rin ito ng maraming karamdaman.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *