Connect with us

International

Apat katao, patay sa dalawang magkasunod na lindol sa China

Published

on

Larawan mula sa BBC.com

Kumitil ng buhay ng apat katao at sumira ng daan-daang kabahayan ang dalawang lindol na Sichuan Province, China ngayong araw, Hunyo 2.

Karamihan sa mga nasawi ay  nabagsakan ng mga malalaking bato.  Isinugod naman sa pagamutan ang labingapat na sugatan.

Ayon sa ulat ng Xinhua News Agency, unang niyanig ng 6.1 magnitude na lindol ang Baoxing County sa Sichuan at makalipas ang tatlong minuto ay niyanig ulit ito ng isa pang 4.5 magnitude na lindol.

Nag-deploy na ng higit sa 1400 rescuers sa lugar.

Samantala, nagpalabas naman ng abiso ang Southwest Railway Authority na maaantala ang mga byahe ng mga tren dahil may mga bahagi ng daan na nasira at kailangang isara.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *