Connect with us

Capiz News

Top 8 Most Wanted Person sa Tapaz, Capiz sa kasong Murder, arestado

Published

on

Arestado ang isang lalaki sa Roxas City na tinuturing na Top 8 Most Wanted Person ng Tapaz PNP sa kasong Murder.

Kinilala ang akusado na si Raymond Gardose, nasa legal na edad, residente ng Brgy. Agpalali, Tapaz, pero temporaryong naninirahan sa Brgy. Gubuan, sa lungsod na ito kung saan siya naaresto ng kapulisan.

Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Tapaz PNP sa pamumuno ni PMaj. Leomindo Tayopon, hepe, kasama si PCpt. Dennis Brigido, mga tauhan ng CIDG Capiz, PFU, PHT Capiz, at AVSEG Capiz, Huwebes ng hapon sa bisa ng warrant.

Ang warrant ng akusado ay inilabas at nilagdaan ni Presiding Judge Rommel Leonor, ng Regional Trial Court 6, Branch 21, sa Mambusao, Capiz noong Hunyo 24.

Pansamantalang nasa kustodiya ng CIDG Capiz PHU ang akusado at nakatakdang dalhin sa kaukulang korte.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *