Connect with us

Capiz News

LALAKI TINAGA NG KANIYANG TIYUHIN SA PONTEVEDRA, CAPIZ

Published

on

LALAKI TINAGA NG KANIYANG TIYUHIN SA PONTEVEDRA, CAPIZ

Sugatan ang isang 46-anyos na lalaki matapos siyang tagain ng kaniyang tiyuhin sa Brgy. San Pedro, Pontevedra, Capiz sa unang araw ng bagong taon.

Kinilala ang biktima na si Tomas Garon y Barrogo, 46-anyos, habang ang suspek ay kinilala namang si Danilo Barrogo y Bocala, 66, parehong mga residente ng nasabing lugar.

Nagkaroon umano ng pagtatalo ang suspek at ang kapatid ng biktima na si Orlando Garon na kaniyang kapitbahay nang pumunta ang suspek sa bahay ng biktima dala ang itak.

Lumabas umano ng bahay ang biktima at walang anumang probokasyon ay tinaga ito ng suspek na tinamaan sa kaniyang leeg.

Dinala ang biktima sa Bailan District Hospital para sa medical treatment at na-confined doon.

Habang itinurn-over naman ni Brgy Captain Nelson Barnes ang suspek sa mga kapulisan at nakakulong na ngayon sa police station.

Continue Reading
Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *