Connect with us

Capiz News

21 anyos na lalaki pinagsasaksak sa isang lamay sa Dumarao, Capiz

Published

on

sinaksak

Isang 21-anyos na lalaki ang pinagsasaksak ng makailang beses sa isang lamay sa Brgy. Poblacion Ilaya, Dumarao, Capiz gabi ng Martes.

Kinilala sa report ng Dumarao PNP ang biktima na si Aren Pardilla, residente ng Brgy. Bungsuan sa parehong bayan.

Kinilala naman ang suspek na si Junnel Coronado, 27, walang trabaho, residente ng Poblacion Ilaya.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng kapulisan, lumabas umano ang biktima para umihi nang pagsasaksakin ito suspek sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Nagtamo ng sugat ng pananaksak sa kaniyang leeg, balikat, tiyan, at sa likod ang biktima at isinugod sa Iloilo Provincial Hospital sa Pototan, Iloilo para gamotin.

Tumakas naman ang suspek matapos ang insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon ng kapulisan na may dating hindi pagkakaintindihan ang dalawa.

Continue Reading
Advertisement

Click to comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *