Connect with us

Aklan News

VG Quimpo kinuwestiyon ang MGB-DENR sa umano’y mga sinkhole sa Boracay

Published

on

By

Nais ni Aklan Vice Gov. Reynaldo Quimpo na ipatawag ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para pagpaliwanagin tungkol sa mga natukoy na sinkhole sa isla ng Boracay.
Sa panayam ng Radyo Todo, sinabi ng bise gobernador na wala silang kopya ng findings ng MGB at maging ang LGU Malay.
Kung matatandaan, inulat ng MGB na mayroon silang natukoy na mahigit 800 sinkholes na nagkalat sa tatlong barangay sa Boracay.
Nakakaalarma umano ito kaya dapat na ipinaabot muna nila ito sa lokal na pamahalaan  at may confirmation bago ipaabot sa media.
“Una nandang ginapatuon dapat hay ro LGU Malay ag ro gobyerno probinsyal,” saad nito
Kinuwestyon niya kung bakit hindi nila maibigay ang kopya ng findings tungkol dito.
“Ano ro rason haman indi nanda matao ro anda ngaron nga supposed to be findings. Hay nano ro anda ngaron nga mga ginatawag nga sinkholes. Siyempre we can only speculate pero bukon it tama ro anda karon nga ginaubra,” giit niya.
Dagdag pa niya, “Ginakunsidera eon namon nga maghiwat it sangka inquiry para sanda mismo mag eksplikar. Kung may mapa sanda, gin identify nanda ron, nano ro mga insidente nga matawag nanda nga sinkhole raya nga area. Pila ra anda nga ginareport 800+, bukon it man ayad don siyempre tourist destination ro Boracay. Very alarming ro makarang klase nga proseso nga gareport ah sanda sa media without the confirmation iya sa local government.”
Mahalaga aniya na ma-verify ang mga ulat tungkol dito lalo na at maaaring maapektuhan ang Boracay Island na isang tourist destination at para na rin makagawa sila ng hakbang upang maiwasan ang mga insidenteng hindi inaasahan sa hinaharap.
“Importante gid nga ma-validate, ma-verify ro raya nga report ag kung nano gid kara ro epekto, naga speculate eon ngani kami ay base mga buho ta it eago ro anda ngaron nga ginahinuyap.”/MAS