Connect with us

Aklan News

TOP 2 MOST WANTED PERSON SA BATAN, ARESTADO

Published

on

Arestado sa Novaliches, Quezon City ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa listahan ng Batan PNP Station na may kasong murder alas 6:30 kagabi.

Nakilala ang akusadong si Louie Alejandro, alyas ‘Bogrong’, 31 anyos at kasalukuyang residente ng nasabing lugar.

Naaresto si Alejandro ng mga taga Aklan PPO Trackers Team, kasama ang mga taga Batan PNP, at Quezon City Police sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Hon. Ronald H. Exmundo, Presiding Judge, 6th Judicial Region, RTC 6, Branch 4, Kalibo noon pang July 18, 2016.

Hawak pa ngayon ng mga pulis ang akusado, at nakatakdang iharap sa korte.