Connect with us

Aklan News

PRO 6 pinangunahan ang SIMEX sa Boracay Island

Published

on

Pinangunahan ni Police Regional Office 6 Regional Director PBGEN Sidney Villaflor ang isinagawang Simulation Exercises ng Malay PNP at iba pang PNP units sa isla ng Boracay nitong Setyembre 1- 2, 2023.

Layunin ng naturang aktibidad na mahasa ang kanilang mga kakayahan at kasanayan sa mga kritikal na insidente, pag-atake ng mga terorista at iba pang mga emerhensiya sa isla ng Boracay.

Bahagi rin ito ng paghahanda ng Malay PNP sa pagdagsa ng mga turista at paparating na economic activities na isasagawa sa isla dahil ito ay itinuturing na top tourist destinations sa buong mundo.

Ayon kay PBGEN Villaflor, layunin ng SIMEX na tumulong sa pag-aayos ng mga patakaran at protocol na gagamitin ng mga awtoridad sa kanilang pagtugon sa mga insidente sa Boracay Island.