Connect with us

Aklan News

NAKAPARADANG KOTSE, SUMABOG

Published

on

Aksidenteng sumabog ang isang nakaparadang kotse sa Regaladao St., Poblacion, Kalibo.

Nakilala sa report ang may-ari ng kotse na si Rodnie Igharas ng Tagas, Tangalan.

Base sa imbestigasyon ng Bureau of Fire Kalibo, pinaandar umano ni Igharas ang nasabing kotse, at saglit na iniwan, nang makarinig sila ng pagsabog.

Kasunod nito, nasunog ang hood ng sasakyan, na pinaniniwalaang nagmula sa baterya nito, papunta sa fuel pump.

Kaagad namang naapula ang apoy, bago paman dumating ang mga bumbero.

Base pa sa paunang imbestigasyon ng BFP Kalibo, tinatayang P20,000.00 ang pinsalang iniwan ng insidente, habang wala namang napaulat na nasugatan doon.