Connect with us

Aklan News

MV Seabourn Encore dumaong sa isla ng Boracay

Published

on

By

Dumaong sa isla ng Boracay ang luxury cruiseship na MV Seabourn Encore mula sa Holland, America nitong Pebrero 13.

Sakay ng nasabing cruise ship ang 371 turista kasama na ang mga crew members ng barko.

Personal silang sinalubong ni RD Crisanta Marlene Rodriguez, Regional Director ng Department of Tourism Region VI at ng Aklan Provincial Government, LGU Malay at Malay Tourism Office.

Ang pagdaong ng MV Seabourn Encore sa Boracay ay bahagi lamang ng 14 na araw nitong paglalakbay mula Pebrero 5 hanggang 19 upang bisitahin ang Singapore, Pilipinas at Malaysia.

Bago ang Boracay, dumaan muna ito sa Puerto Princesa, Coron at Manila.

Nagtagal lamang ito ng walong oras sa isla bago muling ipinagpatuloy ang paglalakbay patungo sa Kota Kinabalu, Malaysia at Singapore./SM