Connect with us

Aklan News

Motor vs traysikel nagbanggaan, 3 sugatan

Published

on

By

Sugatan ang tatlong sakay ng nagkabangaang motorsiklo at traysikel kahapon sa Sitio Ilawod, Brgy. Nalook, Kalibo.

Batay sa ulat sakay ng traysikel na minamaneho ni Cris Zauza, 47 anyos, ang kanyang hipag na si Irene Vargas, 42 anyos, para bumili lang sana ng ulam sa Nalook.

Galing ang mga ito sa kanilang bahay sa Briones at malapit na sa may Terrado Residence nang makabanggaan ang motorsiklo na minamaneho naman ni Adiel Zubiaga, 38, residente rin ng Brgy. Briones.

Batay sa kuha ng CCTV, nang agaw ng linya si Zubiaga kaya ito sumalpok sa harap ng sidecar ng traysikel.

Napag-alaman din na nakainom ito at pilit na pinigilan ng kanyang pamilya na umalis bago ang aksidente.

Nagpapagaling na ito ngayon sa Aklan Provincial hospital habang ang mga sakay ng traysikel ay agad ding nakalabas ng ospital matapos mabigyan ng lunas.